Dinala ni Mayor Topi Mamauag, Vice Mayor Lovier Masigan at ng Sangguniang Bayan Members ang tulong pangkabuhayan para sa mga Walis Tambo Manufacturers na ngayon ay organisado na bilang Cabagan Handicrafts Producers Association sa Barangay Masipi East.

Ang grupo ay nadiskubre mismo ni Mayor Topi at ng kanyang asawa na si Ma’am Mila T. Albano-Mamauag noong bumisita ang LGU Cabagan sa Sitio Magansimid upang mamigay ng ayuda. Nang mapag alaman ni Mayor Topi ang kanilang pakikibaka na mapalago ang kanilang pangkabuhayan, agad syang gumawa ng programa para matulungan ang mga ito. Nangako din si Mayor Topi na patuloy nyang susuportahan ang asosasyon upang mapalawak at mapaunlad ang kanilang negosyo.

Isinusulong ng Lokal na Gobyerno ng Cabagan lalo na ngayong pandemya ang magbigay ng tulong pangkabuhayan sa mga masisipag na Cabagueño. At patuloy din ang panawagan na suportahan natin ang ating mga lokal na produkto at mga negosyo ng ating kapwa Cabagueño.